Full Resto

Posted: February 2, 2012 in Gawa-gawa

Sa isang iglap madaming pwedeng mangyari, paano pa sa loob ng 24 oras? Sa isang araw pwedeng may maipanganak, o kaya may mamatay. Pwedeng may manalo sa lotto o kaya ma-hostage. Maraming bagay na pwedeng mangyari, inaasahan man natin o hindi. Sa buhay natin may mga tao tayong nakakasalamuha, may taong hindi natin kilala. May mga taong nakakasalubong at nakikilala tayo na hindi natin alam ay may koneksyon sa atin. Maaring kaibigan ng kaibigan. Asawa ng dating kapitbahay at marami pang iba.

Isang ordinaryong araw iyon sa Full Restaurant. Lahat ay abala sa paghahanda sa muling pagbubukas ng restaurant. Mayrong mga naghahanda ng iluluto sa kusina, may mga nagaayos na ng mga pagkaing naka-display, at may mga naglilinis sa may dining area. Isang typical na araw sa Full restaurant. Hindi alam ng lahat na ito na ang huling operation ng restaurant.

Saktong alas-otso ng umaga nagbukas ang restaurant at ang pinaka-unang customer ay ang suki nilang matanda. Gaya ng dati may dala itong dyaryo at umupo sa paborito nyang pwesto. Nilapitan sya ng isang waiter at tinanong kung yung dati ba ang oorderin nya. Tumango ang matanda at ngumiti.

Ilang sandali pa ay pumasok ang isang buntis. Kabuwanan na nito at umaasang manganganak isa sa mga araw na ito. Mag-isa ito at may dalang mga papeles. Umupo ito sa table malapit sa C.R.
Tinawag nya ang waiter at umorder na ng pagkain.

Kasunod nya ay may pumasok na mag-jowa, umupo sila sa may malapit sa counter. Sweet na sweet ang dalawa. Sinecelebrate nila ang kanilang 6th monthsary. Naabala ang kanilang paglalambingan ng lapitan sila ng waiter para kuhanan ng order.

Ilang oras pa ang lumipas at halos puno na ang restaurant ng pumasok ang magkapatid na lalake. Ang isa ay matipuno, gwapo at ayos na ayos ang porma. Ang isa naman ay payat, may itsura naman at mukhang matalino ng dahil sa suot nitong eye glasses. Naupo sila sa bakanteng table sa pinaka gitna ng dining area. Umorder na rin sila ng pagkain.

May isang bading na pumasok na umupo sa natitirang bakanteng table sa restaurant. May kausap ito sa cellphone at mukhang pinapagalitan kung sino man yon. Isa syang proffesor sa isang sikat na unibersidad.

Siyang siya ang manager ng restaurant sa nakikita nya. Madaming tao sa restaurant ngayon. Hindi ito inaasahan dahil madalas sa araw na katulad nito ay kokonti lamang ang kanilang customer.

Natapos na kumain ang buntis lalabas na sana ito ng makita nya ang lalakeng bumuntis at nangiwan sa kanya siyam na buwan na ang nakakaraan. Nilapitan nya ito at sinampal. Nagulat ang babaeng kasama ng lalaki at tinanong kung sino ang buntis na iyon. Naiyak lamang ang buntis at marahil sa sobrang sama ng loob ay pumutok ang kanyang patubigan at dumaloy ang dugo pababa sa kanyang paanan. Nilapitan sya ng mga waiter upang tulungan habang ang lalaking sinampal nya ay patuloy na nagpapaliwang sa kanyang girlfriend.

Napansin ng lalaking payat ang kaguluhang nangyayari sa may malapit sa C.R. Tumayo ito at lumapit upang makiusyoso. Patuloy naman sa pagkain ang matipunong lalaking kasama nito. Natigil ang pagkain nito ng lumapit sa knaya ang isang bading at tinawag ang kanyang pangalan. Nataranta ito at hindi alam ang gagawin. Umuppo ang bading at kinamusta sya. Sya ang bading na ginamit nya noon at pinerahan.

Patuloy sa pagiisyoso ang payat na lalaki ng mapansin nya ang kanyang kuya na may kausap. Nakikilala nito ang bading na kausap ng kanyang kuya. Ito ay ang proffesor nya sa isang subject sa unibersidad na pinapasukan nya. Lumapit sya sa mga ito at nakipagkamustahan.

Lumapit ang manager ng restaurant sa mga nagkukumpulang tao malapit sa C.R. Narinig nito mula sa kinatatayuan ang sumisigaw na babae na tila ay nahihirapan. Nagulat sya ng makita nya ang isang buntis na duguan. Nakikilala nya ito, ito ay ang matalik na kaibigan ng kanyang asawa. Mukhang manganganak na ito at hindi na aabot pa sa ospital. Mabuti na lang na ang isa sa mga customer nila ay dating kumadrona. Tatawagan na sana nya ang kanyang asawa upang ibalita ang nangyayari sa kaibigan ng makita nito ang isang babaeng humahagulgol sa isa pang table. Nakilala nya ito. Ito ay ang kanyang nakababatang kapatid.

Lumapit na rin ang lalaking nakabuntis sa babae upang makita ito. Pilit pa ding inilalabas ng buntis ang batang nasa sinapupunan nya katulong ang isang kumadrona. Ilang sandali pa at ilang ire ay lumabas na ang bata. Ang girlfriend naman nya ay naiwang humahagulgol sa kanyang mesa.

Patuloy sa paghagulgol ang babae, sobrang sakit ng nararamdaman nya at hindi nya matanggap na ang taong mahal nya ay may nabuntis na iba. Nagulat sya ng may tumapik sa likod nya, pagtingin nya ay nakita nya ang kanyang kuya at napayakap ito. Hindi na ito nagtanong kung anong ginagawa nito sa restaurant na yon dahil alam nya na dito sya nagtatrabaho. Sinabi nito ang nangyari at dali-daling pinuntahan ng manager ang lalaking nagpaiyak sa kanyang kapatid at tinapunan ito ng suntok. Gumanti naman ang lalaki kaya lalong nagkagulo.

Tahimik namang nakaupo ang matandang lalaki sa may gilid. Tila wala itong pakialam sa nangyayari sa restaurant. Ilang sandali pa ay may kinaha ito sa loob ng kanayng bag. Isang tila remote control na gadget ang hawak nya ngayon. Pinindot nya ang kulay pulang button na nasa gitna ng bagay na iyon.

Kinabukasan ay naibalita sa mga dyaryo, tv at radio stations ang pagsabog ng isang restaurant. Lahat ng taong nasa loob ay nasawi at walang natirang buhay.

Lies.

Posted: February 2, 2012 in Kwentong Katotohanan

Oct. 24, 2010 Sunday. 6:58 PM.

He said it. He said the words that broke my heart.

Never will I trust people again that easy.

I have learned my lesson.

It hurt me, yes, but the world will keep on turning and wont wait for me to stop crying.

Tomorrow will be a new day and I should be a new person as well.

Pain. Oh, pain.

I just wish you all the best.

Thanks for the memories.

Though we’re not official, I still do want to thank you.

If you ask me if im mad at you my answer is no, I am furious.

But thats ok.

Good bye :(

Metung mung aldo

Posted: February 2, 2012 in Gawa-gawa

5:45 am. Ginising ako ng ingay ng alarm clock. Pero hindi muna ako babangon. Day off ko naman. Tulog ulit.

10:25 am. Ginising ako ng sikat at init ng araw. Isang typical na araw sa isang typical na tao. Kain ng brunch (pinagsamang breakfast at lunch. Term ng mga sosyal). Tutal day off ko naman. Wala namang gagawin.

Nood ako ng TV. Sari-saring balita ang pinapalabas. Patayan, politika, showbiz at kung anik-anik. Nakaka-boring. Walang tao sa bahay nasa work ang parents at nasa school naman ang mga kapatid. Libot na lang ako.

Punta akong mall. Wala naman akong alam gawin. Nood kayang sine? Boring walang ka-date. Tambay muna sa starbucks. Kape-kape. Yosi-yosi. Pasok ulit sa loob.

Palakad ako papunta sa kung saan, napansin ko yung lalakeng naka-upo sa may bench. Umiiyak ba siya? Bakit? Umupo ako sa tabi nya. Ewan ko kung bakit ko ginawa yun. Napatingin sya sakin sabay punas ng luha nya pretending na hindi sya umiiyak. Tinanong kung sya kung bakit. Hindi ko alam kung bakit ako nagtanong. Wala sabi nya. Ok sabi ko.

Tahimik lang ako. “Sinaktan nya ako.” sabi nya. Tinanong ko kung sino. “Yung boyfriend ko.” Mmh, bading pala sya, di halata.

“Gusto mo nood ng sine? Libre ko.” Sabi ko, di ko alam kung bakit. “Ha? Nakakahiya.” Sabi nya. “Ok.” Sabi ko. “O sige, pero ako na lang magbabayad ng sakin. Nakakahiya di mo naman ako kilala lilibre mo ko.” Sabi nya. “Ok.” Sabi ko.

Pasok kami sa sine, magkatabing umupo. It felt awkward. Comedy yung pinapanood namin. Natatawa naman sya. Ang cute nya.

Labas ng sine. “Kain tayo?” Sabi nya. “Sige.” Sabi ko. “Libre na kita, pasalamat sa pagsama mo sakin.” Sabi nya. “Ok.” Sabi ko.

Kumain kami pero halos di kami naguusap.

Labas kami ng mall. Yosi. “Inaantok ako.” Sabi nya. “Gusto mo na umuwi?” tanong ko.

“Di pa, gusto ko lang humiga. Mag-check-in tayo?” Yaya nya. “Huh? Ok.” Sagot ko.

Check in kami sa malapit na motel. Again it felt awkward.

Higa sya sa kama habang ako nakaupo. Ilang minuto lang ang naklipas narinig ko syang humihikbi. Palakas ng palakas. Niyakap ko sya. Yumakap sya pabalik. Hinalikan nya ang aking mga labi. Yung lips ko, parang automatic na nag-respond sa halik nya. Nagkatitigan kami. Napakaganda nyang lalake. Nakatulog kami sa ganoong posisyon.

Pag-gising ko, wala na sya.

Ni hindi ko man natanong yung pangalan nya.

ATM

Posted: February 2, 2012 in Gawa-gawa

Heto na ang araw na pinakahihintay ko.
Payout!
Maaga akong nagising para pumunta ng mall at makapag-withdraw.
Pagdating ng mall, dismayado pa din ako dahil sa haba ng pila.
Ako na ang pinakahuli. So far.
Nakakabagot, nakakangawit, nakakapagod maghintay.
Matapos ang ilang oras na paghihintay, sa wakas, ako na.
Bago ko pa mai-insert ang aking ATM card sa slot, napatingin ako sa aking likuran.
Naiisip ko lang, paano kung mahaba pa din ang pila?
Yung nasa huli, maaga din kaya syang gumising para mag-withdraw?
Madidismaya din kaya sya sa sobrang haba ng pila?
Mababagot, mangangawit at mapapagod din ba sya kakahintay?

Suicidal

Posted: February 2, 2012 in Gawa-gawa

Sa sobrang dami ng problema ko, di ko na kinaya. Naisipan kong magpakamatay na. Naglalakad lakad sa kalsada, di alam ang gagawin. Nagawi ako sa isang tuloy. Tumingin ako sa ibaba ng tulay. Kung tatalon ako, siguradong patay ako. Tumayo na ako sa may gilid ng tulay, nagdasal muna ako. Naramdaman ko ang pagdaloy ng aking mga luha sa aking pisngi. Handa na akong tumalon ng..

“Tatalon ka?”

Nagulat ako, may tao pala sa likuran ko.

“Bumaba ka nga dyan.”

Utos nya. Sumunod naman ako.

“Di mo ba alam na todo kayod ang mga tao para luminis yan? Tapos idagdag mo pa yung sarili mo sa basura. At kung mamatay ka dyan at mabulok ang katawan mo, baka magkasakit pa yung mga tao na nakatira sa paligid ng ilog. Wag mu din itry tumalon mula sa taas ng building, babagsak ka sa gitna ng kalsada at magcacause ng traffic. Kung magbibigti ka naman, baka di kayanin ng kisame ang katawan mo at baka mag-collapse, sayang naman, paano na yung susunod na titira dun? Try mo magsuicide, kaso masakit yun, saka papagurin mo pa maglinis yung katulong nyo o nanay mo sa dugong kinalat mo. Di rin pwedeng magpasagasa kasi traffic din un saka baka makasuhan pa yung driver na sumagasa sayo. Uminom ng lason. Bad idea, kakalat yung lason sa katawan mo at di na pwede i-donate yung internal parts ng katawan mo sa mga hospitals. Mmh? May plan B ka ba?”

Di ko alam ang sasabihin ko.

“Natulala ka na dyan. Halika, kumain na lang tayo.”

Ilang buwan matapos ang araw na yun, nagpakasal kami.

Lost

Posted: September 20, 2011 in Gawa-gawa
Tags:

I woke up from what felt like a very long sleep.

Feeling like I was a newly born baby.

Flash of light hurt my eyes.

It was so painful, like a knife cutting off my skin.

I closed my eyes then I opened them again.

I saw these people running, walking, waiting for a cab to pick them up.

Everyone seems to not notice me.

The wind blew and it felt so cold.

I realized I was naked.

I tried to hide myself but I don’t know where t go.

Slowly, it’s getting daker and darker.

I’m losing sight.

I screamed but no one seems to hear or even care.

I ran away, still I don’t know where to go.

I was hopeless.

Again, there is the light.

Leading me to what felt like a familiar place.

I saw a man lying on the floor.

Naked.

Bleeding.

I know him.

The man was me.

Isang gabi sa piling ni bespren.

Posted: September 20, 2011 in Kwentong Katotohanan
Tags:

Nagising ako linggo ng umaga, mga alas-diyes. Ito ang tipikal na araw ng linggo sa pamilya. Tanghali na kami gunigising lahat, at ang almusal ay mistulang tanghalian na din o ang tinatawag nilang brunch. Di inaasahan ay nakarecieve ako ng text mula sa aking bespren. Nais nyang duon ako matulog sa bahay nya dahil wala syang kasama. Pumayag naman ako. Napagusapn namin na gabi ako pupunta doon.
Mga bandang hapon ay nanood ako ng ASAP at Part Pilipinas, isang nakakabagot na hapon. Nang humupa na ang tirik ng araw ay napagdesisyunana kung umalis at magpunta sa kabilang baranggay upang mag-internet. Nagdala ako ng P158.00. P8.00 ang pamasahe sa jeep papaunta doon.

Pagdating sa netshop ay nagsimula an akong mag-log in sa FB, PR, binuksan ko ang Powerpoint Office para gumawa na din ng presentation ko sa martes. Mga ilang oras din akong nag-stay doon. P55.00 ang naging bill ko. Napadaan ako sa stall ng McDonald’s desserts. Bumili ako ng monster apple sprite mcfloat na nagkakahalaga ng 40.00. Nagabyad ako ng sakto. Hinahanap ko yung natitra ko pang 50.00 bill para pamasahe sana, gunit nawawala. Tanging limang piso na lang ang natitira sa bulsa ko.. Marahil nalaglag ito sa jeep kanina. Problema ko ngayon paano ako makakuwi. Tiwagan ko ang aking kapatid upang magpasundo. Sa kabutihang palad, pumayag naman sya at nakauwi ako.

Kinagabihan ay tinamad na si mama magluto ng dinner kaya tanging yakisoba na lang ang kinain ko. Makalipas ang ilang oras at ilang stick ng marlboro lughts ay saka ako naligo atnagbihis na.

Mga alas-diyes ng gabi ay bumabyahe na ako papunta sa apartment ng aking bespren. Halos 30 mins din ang byahe. Nasa kanto na ako ng isipan kong tawagan sya, baka kasi tulog. Di naman ako nagkamali, tulog nga sya at di sinasagot ang tawag ko. Ilang ulit akong pabalik-balik doon sa daan, baka nga iniisip na nung mag-asawa na nakatambay doon na baliw ako. Matapos ang limang missed call, finally sumagot din si bespren.

Pagdating sa bahay nya, kwentuhan kami tungkol sa mga lalaki, sex at kasama sa trabaho. Mga 30 mins kaming ganun nang magkayayaan kaming kumain sa McDonald’s malapit sa AUF.

Sa harapan namin ay may isang bading na may kasamang lalaki na nasa 18 ang edad. Parang nag-aaway sila. Napadaan ang supervisor ng McDo at tinanong sya ng bading kung pwede ba mag-aaply yung kasama nya. Naks.

Ilang sandali pa ay may pumasok na grup ng kalalakihan na may mga itsura naman, at symepre, kinilig naman ang bespren kong bading.

Paglabas namin ay humitit kami ng marlboro lights saka kami nag-internet. Sa tabi ko ay isang bading na nagpapansin at pinilit na ginagayod ng balat nya ang kanang braso ko. Kadiri. Matapos yon ay bumalik na kami sa aprtment.

Mga alas-dos na ng umaga ng ako’y matulog at ang aking bespren ay nanonood pa ng DVD na bleach. Di ko alam kung anong meron sa anime at baliw na baliw sya doon. Nagising ako ng mga 10:30 g umaga, at si bespren nagising na din. Pumunta kami sa tapsilogan upang bumili ng makakain. Matapos naming kumain ay pinanood namin yung Beastly na hindi namin natapos kagabi.

Mga pasado ala-una nang magpaalam na ako sa aking bespren, sabi nya sasama sya dahil bibili sya ng Zagu, pati ako nilibre na din nya. Pagkatapos noon ay naghiwalay na kami.

Pumunta ako sa DonBoni upang magbayad ng bill. May binigay yung babae na billing slip at ang sabi nya dun daw ako magbayad sa may window. Halos 45 minutes akong naghihintay at di tinatawag ang pangalan ko samantalang yung mga nahuling dumating ay nauna pa sa akin. Lumapit ako sa may window saka ko=narealize na dapat pala ay binigay ko yung billing slip para ipa-register. Tanga.

Pagkatapos noon ay sumakay na ako ng jeep pabalik ng angeles, tang-inang jeep, halos isang oras kaming naghihintay ng pasahero. Siguro nainip sya o nahiya na sa akin kaya pinaandar na nya ang jeep.

Ngayon, nandito ako sa internet shop at tinatapos ang blog na ito..sana nagustuhan mo. :)